';

Ang Alamat ng Maya-Maya at Lapu-Lapu

Published on by Vincent Ragay under

Noong unang panahon nang napakasagana pa ang ating mga karagatan sa iba’t-ibang uri ng isda, may mag-amang namingwit habang sakay sa banka nang di kalayuan sa baybay. Habang naghihintay na may kumagat sa pain nila, biglang may nahuli ang ama na malaki at mapulang isda at ang anak nama’y nakahuli din ng isang malaki at mapulang isda. Halos magkahawig ang dalawang isda, nguni’t magkaiba ang hugis ng bibig at buntot.

Nang marami na silang nahuli, umuwi na sila at inihaw ang nahuli nila at inihanda sa hapag-kainan. Dahil hindi nila alam ang pangalan ng mga isda, ang itinawag sa mga iyon ay pawang “pulang isda”. At nang kumakain na ng pamilya, biglang natinik ang ama sa isdang kinain niya. Sumigaw at sinabing, “May ya! May ya!” At ipinakita ang ilang maliliit na tinik ng isda na hugis letrang “ya”.

“May ya! May ya!”
Maya-Maya

Ang anak naman ay nagtaka dahil ang kinain niya ay walang tinik na maliliit. Sabi niya, “’La po! ‘La po!” Ipinakita ng ama sa anak ang mga tinik at sinabing, “May ya! May ya nga!” Sumagot naman ang anak at sinabing, “’La po! ‘La po talaga!”

Lapu-Lapu

At mula noon, tinawag ang isdang matinik na Maya-Maya (red snapper) at ang isa naman’y Lapu-Lapu (grouper).   (Kathang-isip ni vmr/2019jul12)

(Photos of fresh fishes courtesy of www.google.com)